Profile

Name: Sheight

Ma photo
Nom : the incurable romantic
Lieu : Philippines

a fat-ass who constantly struggles to take a breather every now and then. a conventional man of quixotic tastes. a masticated piece of nothingness begging for your last drop of conceit. a procrastinate insisting on raw but substantial work under time constraint. a romantic, and incurable at that.

Looking Back:

janvier 2005
avril 2005
mai 2005
juin 2005
juillet 2005
août 2005
septembre 2005
octobre 2005
novembre 2005
décembre 2005
janvier 2006
février 2006
mars 2006
avril 2006
mai 2006
octobre 2006
novembre 2006
décembre 2006
janvier 2007
février 2007
mars 2007
mai 2007
juin 2007
juillet 2007
août 2007
septembre 2007
octobre 2007
novembre 2007
décembre 2007
février 2008
mars 2008
avril 2008
mai 2008
juillet 2008
août 2008
septembre 2008
novembre 2008
décembre 2008
janvier 2009
février 2009

Previous Jargon:

  • Gary Granada, kinakalaban na ang Kapuso, ANG TARAY...
  • I. AM. NO. WOMAN. AT. ALL. (reposted from marengs ...
  • artista na pala ako, shiettt!! hahaha ( :
  • I guess I'll always be alone.. hahaha (reposted fr...
  • Takoyaki and Literotika for the Annoyed
  • To Do Something Spontaneous, You'll Need...
  • Policemen. They do Serve. They do Protect.
  • A Very Sex and The City-ish | Clueless-ish Prattli...
  • Passiva-Aggressiva
  • dude, foreseeable eh??
  • Click on 'em too

    | aeth | jaca | arianne | shawitee | eevan | jaypee | rafael | ralph | xam |

    |1jrn2 |onhibernation |Click Here!! |

    Creative Commons License
    This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 2.5 License.  

    Gary Granada, kinakalaban na ang Kapuso, ANG TARAY!! ( : *reposted from kuya Jaud* |

     

    REPOSTED FROM

    http://rllqph.wordpress.com/2009/02/02/gary-granada-with-podcast-transcript-vs-gma-kapuso/


    ***

    Ang isyu? Ninakaw diumano ng GMA ang orihinal na komposisyon na pagmamay-ari ni Gary Granada. Ang tanong, may habol ba si Gary laban sa GMA? Paki-post lamang po ang inyong mga komento.

    Eto’t pakibasa ang original transcript na ginawa ko ayon sa podcast na ginawa ni Gary. Please lang po, bigyan nyo naman ng credit ang munti kong site kung nais ninyong i-commercialized ang transcript na ito. Sige kayo, baka ako naman ang gumawa ng next podcast pag nagreklamo ako. ^_^ (Gary, I support you kaya ko ginawa ito. I hope you like it. ^^)

    You may stream his podcast or by downloading the mp3.

    ~

    Magandang araw po, ang pangalan ko po ay Gary Granada. Ako po ay isang song writer o composer at ang hanap-buhay ko ay gumawa ng mga jingles.

    Kung kaya ako ay kinomisyon ng GMA Kapuso Foundation na gumawa ng jingle para sa kampanyang Threepid Handog Edukasyon ng Procter and Gamble. Gaya ng nakasanayan sa advertising industry binigyan nila ako ng lyrics, which I’m supposed to set to music, na dapat ang haba ay sixty seconds. Eto po yung binigay nila:

    Kung may lapis kaya kong isulat ang aking mga pangarap
    Kung may krayola kaya kong iguhit ang aking kinabukasan
    Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan aking makakamtan
    Sa tulong mo edukasyon ko tuloy-tuloy na magagampan
    Ang aking pagpupursigi hindi masasayang dahil nandiyan ka
    katulong ko sa bawat hakbang

    Tapos may voice over, tapos kanta ulit.

    Sa handog edukasyon magandang kinabukasan aking makakamtan.

    Obviously kailangang ayusin o i-edit ito para tumugma duon sa music. Ang proseso ay ganito. Anumang revisions na gawin ko ay dapat may approval ng client. And after several revisions, ito na yung huli kong sinubmit na study.

    Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
    Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
    Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan aking makakamtan
    Sa tulong mo pag-aaral ko magagampanan
    Ang pagpupunyagi di masasayang

    Sa Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

    Sa handog edukasyon magandang kinabukasan
    Aking makakamtan

    Hanapin ang threepid sa mga brands na ito.

    Mangyari ito ay hindi pumasa at pinagawa na lang sa ibang composer. At ito naman yung lumabas na brinoadcast sa GMA network.

    Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
    Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
    Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
    aking makakamtan
    Sa tulong mo pag-aaral ko magagampan
    Ang pagpupunyagi di masasayang

    Sa Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

    Sa handog edukasyon magandang kinabukasan
    Aking makakamtan…

    Hanapin ang threepid sa mga brands na ito.

    Obviously, ginamit nila yung edited lyrics batay sa pagkasukat ko. Pero hindi lang po yun ang isyu. Bukod sa lyrics, ginamit din nilang tuntungan ang musical structure na ginawa ko. At ipapaliwanag ko sa inyo kung paano.

    Ang musicial composition ay may tatlong basic elements.

    Una, ay yung tono. Halimbawa, sa A-B-C-D-E-F-G, ang tono ay, DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL. Ngayon, kung gagawa ka ng kantang, ABCDEFG na ganito, A-B-C-D-E-F-G, o, SO-LA-TI-DO-TI-LA-SOL. Hindi mo ngayon yun completely original na creation dahil sinakyan mo lang ang pinagpaguran ng iba. At nagiging madaling gawin, precisely because, sinukat na yung piyesa nung gumawa nung original.

    Ang ikalawang element ay tinatawag na balor ng mga nota. Halimbawa, ang mga nota ng DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL, ay anim na magkasunod na quarter notes at isang half note. Iba po yun kaysa halimbawa apat na magkasunod na eight notes, isang dotted quarter note, isang eight note ulit at isang half note na ganito naman, DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL.

    And finally ang ikatlong element ng musical composition ay ang harmonic logic. Sa lay persons term ay yun yun kung saan dumadaan ang chords at kung kailan lumilipat. Halimbawa, ang A-B-C-D-E-F-G, ay C papuntang F tapos balik sa C. Hindi magwo-work yung ilalagay mo yung F sa huli. A-B-C-D-E-F-G. Hindi rin magwowork kung, sa A dumaan papuntang D minor, halimbawa, A-B-D-C-E-F-G, pero pwede yung daanan na yun kung ang kantang yun ay, “He– answers prayers”.

    At para patunayan ko sa inyo na ginawa nilang tuntungan yung aking komposisyon, kakantahin ko yung jingle sa tono na pinagawa nila sa iba, kasabay nung minus one na study na ginawa ko.

    Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
    Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
    Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
    aking makakamtan
    Sa tulong mo pag-aaral ko magagampanan
    Ang pagpupunyagi di masasayang

    Sa Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa isang bata.

    Sa handog edukasyon
    mga gamit pampaaralan
    aking makakamtan…

    Hanapin ang threepid sa mga brands na ito.

    Think about it, yung mga parteng may kanta ay mga mga kantang twenty eight na bara yun. Yung probability na magkaruon na magkahawig mula umpisa hanggang dulo ay ganito. Sa bawat bara you have theoritically dozens of possible combinations. Sabihin na lang nating dalawang possibilities na lang per bar. That would be two times two times twenty seven times mong i-(http://foobarph.multiply.com)multiply.

    The chances of that coincidence would be one in one hundred thirty four million two hundred seventeen thousand seven hundred twenty eight. At those odds, I think our dog has a better chance of becoming president of god-forsaken country, since they are throwing it to the dogs anyway.

    Nagsumbong ako sa FILSCAP, yun po yung Filipino Society of Composers, Authors(http://rllqph.wordpress.com) and Publishers. Nagpadala ito ng sulat sa GMA, tinanong namin kung bakit di nila ginawa yung friendly reminder namin, na kung ipagawa nila sa iba, ang ibigay nila sa gagawa ay yung original nilang lyrics at h’wag gamitin ang ginawa kong study.

    At kung napansin ninyong hindi gaanong maganda ang quality ng audio nung jingle na brinodcast nila, ay kasi ni record ko lang yun galing sa TV mismo. Paano kasi, mahigit isang buwan na akong nag re request kahit mp3 man lang nun for reference ay di man lang ako binigyan. Nabanggit din yun sa sulat ng FILSCAP, di man lang sinagot. Napaka-arogante.

    Sa halip, ang sagot ng GMA, ay wala akong claim dahil yun daw ginawa ko ay collective effort namin. Siguro parang ganito, halika upo tayo at mag compose tayo collectively. Kung ganun, eh di ibig sabihin pala, kung paano sinukat yung lyrics at music para magkasya sa isang minuto ay collective naming ginawa yun. Yung paano pagtugmahin yung mga letra sa mga nota ay collective naming ginawa yun. Yun kung saan dalhin ang daloy ng harmony ay collective naming ginawa yun. At kung ganun na nga, marami naman palang mga tao sa GMA that can collectively compose. Bakit pa nila ako kinuha? Sa tinagal-tagal ko sa trabahong ito, nuon ko lang maranasan na mag compose collectively.

    Maalala ko yung short meeting namin na yun eh, mahaba kasi yung lyrics kaya kailangan pang paiksiin. Halimbawa yung, aking kinabukasan, sabi ko, ok ba sa inyo kung gawin ko na lang bukas, aking kinabukasan, pito, pitong syllables, bukas, dalawa lang. Tatango-tango naman yung iba. Ganun pala mag compose collectively.

    Ang hindi nila naiintidihan, kaya ko sinuggest yung bukas kasi concious ako na pasok yun duon sa melody na naiisip ko. At kaya nga naging madali na lang gawan ng ibang tono ng iba, kasi finormat ko na yung original lyrics mo, na magiging singable at musical. Hindi na lang yun prose, poetry o freeverse. Ginawa ko nang musical yung metro, bigkas at sukat ng copy mo. Kaya nga ang tawag sa inyo ay copywriter, at ang tawag sa akin ay composer. Kasi, babalen-balentungin mo man yang utak mo ng isang milyung beses, hindi mo ma-compose yung lyrics na yun ng ganun.

    And you have the audacity to tell me that my composition is our collective effort. In fairness to you, you have a very imaginative mind. Baka sabihin ngayon ng mga fans ko, sir, I have a collection of your collective compositions.

    Seriously, yun pong mag compose ng kanta hindi naman siguro yun basta-basta gawin na lang ng kahit sino. Mas lalo na yung mag compose ka ng exactly sixty seconds na kanta. Pero ang natutuhan ko sa loob ng thirty years, minaliit ng GMA network duon din sa sagot na sulat na pirmado ni Atty. Dick Perez na kanilang abugado. Nakalagay po duon.

    These changes we’re not made by Mr. Granada alone. One word from Mr. Granada or even three, assuming without admitting, that all changes were made by Mr. Granada does not make the piece his own.

    Para akong sinabihan na, aangkinin mo ito eh wala ka namang ginawa liban na palitan ang isang salita.

    It did not thirty days to finish that composition. It took me thirty years to hone the skill required to create that composition. Ngayon ipamumukha mo sa akin na ginawa ko lang ay palitan ko ang isang salita. At may nalalaman pa itong mga abugadong ito, na assuming without admitting.

    Unang-una po, liwanagin ko lang. Hinding-hindi ko inaangkin yung nilabas nila sa TV. Frankly, ayoko yung mga tono na ganun. Bakit ko naman aangkinin yun? In fact, dahil ayaw ko yung kinalabasan, naiinis pa lalo tuloy na isiping may kinalaman pala ako duon.

    Ganun pa man, ang sinasabi ko, hindi sila makakagawa nun, kung hindi nila sinamantala ang aking ginawa. Again, ang kini-claim ko, hindi sila makakagawa nun, hindi man ako nagagandahan duon, o gandang-ganda man sila duon. Hindi nila magagawa yun kung hindi nila sinamantala ang study na gawa ko.

    And if we will just let GMA Kapuso Foundation and Procter and Gamble get away with it, that is like applauding their arrogance and condoning stealing. And to think that GMA as publisher, sits in the board of FILSCAP which protects the writes of composers and lyricist. At may mga anti-piracy anti-piracy ka pa minsang kampanyang napapalabas sa GMA.

    Kung hahayaan natin ito, what is now stopping anyone from commissioning artists in general to make studies only to reject them, make easily done modifications out of their hard work and pass them of as entirely new creation all together?

    Ninakawan mo na yung mangagawa sa pinagpaguran niya, dinuro-duro mo pa na wala siyang claim dahil wala naman siyang ginawang significant.

    Ha… *sigh*

    Which makes me wonder? Saan napunta ngayon yung puso sa GMA Kapuso Foundation?

    Kung sa tingin po ninyo ay tama lang na ipaglaban ito, malaking tulong kung makakagawa kayo ng statements of support. Mahalaga rin na makakalap ng mga opinyon ng mga dalubhasa kung kayo ay nasa literature department o creative writing center ng iyong university o college of music, your expert opinion will help a lot.

    Kung kayo ay composer, lyricist, writer o artists in general. Please send us your comments. Kung kayo ay abugado na dalubhasa sa mga ganitong bagay at sa tingin ninyo ay lehitimong grievance ito, please send us your views.

    Paki email lamang po sa garygranada@yahoo.com.Thank you very much for your time.


    jived by the incurable romantic |   mardi, février 10 | 5:22 AM

     

    | blogger.com | photobucket.com | haloscan |